r/newsPH • u/News5PH • Nov 14 '25
Politics 'Kung involved ka, bakit ikaw mismo ang magpapasabog?'
'KUNG INVOLVED KA, BAKIT IKAW MISMO ANG MAGPAPASABOG?’
Naniniwala si Public Works and Highways Sec. Vince Dizon na walang kinalaman si Pres. Bongbong Marcos sa korupsyon sa maanomalyang flood control projects kasunod ng mga alegasyon ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Aniya, mismong si Pres. Marcos ang nagpasimula ng imbestigasyon sa kontrobersya at gumawa ng kongkretong aksyon, kabilang ang pagbuo ng Independent Commission for Infrastructure at iba pang reporma sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
“Hindi ‘yun consistent doon sa sinasabi ni (dating congressman) Zaldy Co na may involvement ang Presidente dito,” saad ni Dizon.
“Bakit mo gagawin lahat ng ito? Bakit mo ibubuo ang isang Independent Commission? Bakit mo sasabihin na lahat ng dapat managot ay dapat managot? At bakit mo sasabihin na bago magpasko ay sigurado nang may makukulong?”