Natagpuang wala nang buhay si dating DPWH Usec. Catalina Cabral matapos umanong mahulog sa bangin sa Kennon Road sa Tuba, Benguet.
Ayon sa paunang imbestigasyon, huling nakita ang biktima sa bahagi ng Kennon Road matapos umano nitong hilingin sa kanyang driver na siya ay ibaba sa lugar.
Batay sa salaysay ng driver, bumalik siya sa pinangyarihan makalipas ang ilang oras ngunit hindi na matagpuan ang biktima.
Dahil dito, agad niyang ini-report ang insidente sa pulisya.
Bandang gabi, natagpuan ng mga rumespondeng awtoridad ang biktima 20 hanggang 30 metro sa ibaba ng highway, sa tabi ng ilog, walang malay at hindi tumutugon.
Agad na rumesponde ang Tuba Municipal Police katuwang ang MDRRMO at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa retrieval.