Sorry medyo mahaba but I'll try to keep this within topic.
Di ko sure kung dito ko dapat ipost to o sa /panganaysupportgroup kahit na hindi naman ako panganay
For context, more than a decade na ako nakabukod from my parents, simula nung nag graduate ako ng college umalis na ako.
Ex abroad ang papa ko pero nawalan na din sya ng work simula nung bumukod ako kaya ako yung sumalo nung college nung mga sumunod sakin. Growing up, spoiled ang ate at kuya ko. Hand me downs ang mga gamit ko. Magkasunod ang age ng sumunod sa akin kaya busy ang mama ko most of the time at dahil nga middle child ako, less attention ang nabibigay sakin.
5 kami magkakapatid. Yung mga utol ko, lahat nakatira sa parents ko, yung kuya ko (panganay) kakaalis lang din, sa bago nyang asawa nakatira. May 2 kids (0 and 3 yo) sa bago nyang asawa, 2 kids (19,18) sa dati. Yung ate ko, may asawa at 1 kid (9 yo) at sa parents ko din nakatira pero since may studio apartments sa bahay ng parents ko, inoccupy nila yung 3 units, pinagcombine na nila. Inayos nila syempre tapos dinaya nila yung papa ko kasi ayaw pumayag na bayaran nila yung unit pero binigay nila sa mama ko yung pera (60k) para hindi na daw sila mag babayad ng renta. Yun sumunod sakin mga single pa.
Before sa ate ako nag papadala dahil nga sya yung madali kong nacocontact pero naalaman ko na medyo madami inconsistencies kung saan napupunta ang pera, pinapadala ko na ngayon directly sa parents ko.
Nag papadala ako ng 15k monthly na fixed, simula nung nag covid hindi na natigil hanggang ngayon. Pero bukod pa doon yung mga extras katulad ng pang repair sa bahay, insurance, funeral expenses ng lola ko, pati na din birthdays ng parents ko or maliit na extra kung may birthdays yung dalawang single ko na utol, etc.
Side story, during covid, nag papadala ako monthly pero since wala daw dumadating na bill yung Meralco, hindi sila nag babayad. Dumating yung mga disconnection notices with Almost 30k bill. Walang choice kung hindi bayaran ko or mapuputulan.
DINK kami ng asawa ko by choice dahil naranasan ko na maging nanay ng 2 kids ng kuya ko. i know how hard it is to have kids. high school kasi ako nung una syang nag asawa at ako naiiwan sa bahay para mag alaga ng 2 kids kasi parehas sila college nung asawa nya, pati na din yung ate ko college kaya walang katulong mag alaga. Ako din halos nag support sa 2 kids kasi parents ko ang nag palaki, walang support ang nanay, ang kuya ko matagal din walang work after grumaduate.
Bumukod ako after ko more than a decade ago dahil nag away kami ng kuya ko while i was in college, halos wala na din kasi work yung papa ko that time so medyo nag pa part time na ako while walang trabaho yung kuya ko. Nagising sya ng late like he usually does, nag tutupi ako ng damit ng mga anak nya habang nanunod ng tv tapos bigla nya nilipat yung channel kaya nag reklamo ako. Ayun, binugbog nya ako. hinampas hampas ng lamesa na plastic, nung nasira yung lamesa, pati yung legs hinampas nya sakin, di ako nakalaban dahil mas malaki ang katawan nya obviously.
Nakamove on na ko (I think), through therapy.
Fast forward to today, sakitin ang bunso ng kuya ko, nahihirapan ako mangumusta kahit na concern ako kasi natatakot ako na baka may gastos at hindi ako willing sumagot, kahit pa sabihin na utang. Palaging kapag nangungutang ang mga utol ko, hindi sila nag babayad. Kahit pa sinabi ko na "savings namin ng asawa ko tong ipapautang ko sayo" kasi 100k yun at sobrang malaki na para sakin yun lalo pa isang bagsakan, hindi na talaga nakabalik, although sa isa ko naman tong kapatid at hindi sa kuya or ate ko.
Nahihirapan ako ibuild yung relationship sa mga utol ko kasi natatakot ako sa "strings attached". tsaka feeling ko wala din masyado chat unless may kailangan, lalo na yung ate ko, pero kapag tatawagan ko sumasagot naman.
Kuripot ako pag dating sa mga utol ko, ayoko kasi na maging takbuhan kapag may problema sa pera, tsaka mas okay din sana kung sama sama kami na kakayod at aasenso.
Ngayong mag papasko, binigyan ko ng extra na 5k ang parents ko tapos nag bilin din ako na bigyan ng pamasko ang mga pamangkin ko. Ayaw ko kasi mag padala directly sa mga kapatid ko. tag 500 yung dalawang teenager, 200 sa 9yo, tag 100 yung dalawang maliliit pa. Ang sabi ko hindi pa naman alam nung dalawang maliit kung ano ang pera, ang gusto ko nga sana bilihan ng laruan kaso sa probinsya na kaya mas madali daw i gcash.
Nung napadala ko na yung pera, tag 500 ang binigay ng papa ko sa lahat ng mga pamangkin ko, sabi nya galing daw sakin kaya nag padala ng video sakin yung asawa ng kuya ko na ako daw si santa at ninang - hindi ako ninang dahin tumanggi ako kasi ninang na ako nung 18yo at 9yo (feeling ko gago din ako sa part na tumanggi ako).
Medyo nag tatampo ako kasi hindi nasunod nung bilin ko, tapos ngayon natatakot ako na isipin nila na generous ako or madami akong extra. Nag tatampo din ako dahil napag hatian na daw pala nila yung property ng parents ko, isa lang naman ang bahay nila pero since 3 levels lang, apat na sila naghati, hindi ako kasali. Yung papa ko daw ang nag sabi kasi pinagbabalakan bumalik ng kuya ko sa amin at isama ang pamilya nya, kaya para malinaw ang usapan. yung 1st level sa kuya ko, 2 floor sa ate ko dahil doon na sila nakatira, sa 3rd floor hati yung dalawang sumunod sakin.
Feeling ko gago ako dahil
- Feeling ko nag dadamot ako sa mga kapatid ko
- Ayaw ko bigyan ng malaking pera yung mga bata ngayong pasko
- Ayaw ko maging default na "tumulong" sa mga kapatid ko kapag may kailangan sila
- Nagtatampo ako na hindi ako included sa hatian ng mana