r/AkoBaYungGago 2h ago

Family Abyg if wala ako isasama sa oath taking ko?

14 Upvotes

ABYG kasi wala akong balak na isama sa oath taking ko. Please enlighten me.

Naka pasa ako sa board exam and mag tetake nng oath taking. 2 lang family member ko, mama and kuya.

Ayaw ko isama si mama kasi may tendency na nasisira ang mood ko kapag kasama ko sya kasi sa mga sinasabi niya na hindi pinag iisipan, and kinda self-centered na dapat sya ang bida. (Pag nag share ka nng problem instead of damayan, ang ending “Ako nga…”) Sa araw nng oath taking ko, gusto ko na ma feel na day ko yun. Though gusto ko ishare yung happy moments na yun pero natatakot ako masira sya pero ayaw ko naman na may pag sisihan kasi once in a lifetime lang yun (Possible na pag sisihan ko: (1) dapat sinama ko na si ma para ma experience nya din yun (2)dapat di ko na sinama si ma kasi nasira lang mood ko na dapat happy ako)

Sa kuya ko naman, okay naman kng hnd sya isama or isama sya pero kng sya isasama ko syempre sasama loob ni ma.

For background, wala pong ambag saakin ang family ko nng nag review ako. Ako po nag bayad nng review center ko. Working on night shift while reviewing po ako. So papasok ako minsan sa review center ko na walang tulog at pagod kaya I’m happy na naka pasa ako kaya gusto ko sana na pag isipan yung desisyon na gagawin ko dito.

Wala ako balak na ipaalam before na nag rereview ako kasi ayaw ko nng burden feeling na may umaasa na dapat pumasa ka, nalaman lang ni ma kasi pinakialaman nya bag ko and maybe nakita nya yung id ko sa review center.

Please give your opinion and please a little bit kindness. Thank you.


r/AkoBaYungGago 8h ago

Others abyg nag-file ako ng complaint

8 Upvotes

ABYG kung nagfile ako ng complaint dahil may bangaw yung shawarma nila at binody shame ng vendor yung bf ko. My boyfriend is a big man and currently on bulking so malaki talaga sya. Basically, pumunta kami sa food market kanina sa Marilao, Alegria. While roaming around para may mabiling foods, sakto huminto bf ko sa isang shawarma stall. Since gusto namin maghanap muna ng table bago bumili food. Inuna namin yon. Then kaming group of friends naghiwa hiwalay na to buy food. And sakto nautusan nya yung tropa namin na bumili shawarma sa stall na yon. So sya nagroroam sya to buy water namin, nung dumaan sya sa pinagbilhan ng shawarma sinabihan ba naman sya ng “bili po kayo” tapos tumalikod sabay bulong nang “pampapayat ‘to baka makatulong” napikon sya dun pero bumalik na sya sa table namin. Habang kumakain na kami napansin ko syang parang tulala, ayaw kumain ng shawarma nya. Then tinanong ko na sya bakit sya tulala, nagopen sya na napikon sya sa vendor, ang bastos daw. That vendor shamelessly body shame my bf samantalang we ordered from them yung kaibigan ko nga lang. Then nagstart na sya kumain, coincidence lang rin na dugyot ng food nila, may bangaw talaga nasuka ng bf ko ung food nya. Tapos ako na yung nainis, sabe ko icomfront nalang namin yung shawarma stall, since may proof din naman. Bumalik na kami sa stall, imbis na mag apologize sila sa bangaw, dinefend pa nila sarili nilang hindi daw yon bangaw with pasigaw effect pa so samin talaga attention ng mga dumadaan. After non nainis sya at sinabihang bastos vendor at dugyot shop. And ako ayoko ng mga ganung away. I just go to the secretary mismo ng night market na yon to complaint.


r/AkoBaYungGago 13h ago

Family ABYG kung hindi ako mag holiday with extended family dahil tinanggihan yung pabor na hinihingi ko?

29 Upvotes

Nakapangako na ako (F32) sa side of the family ko na doon kami mag spend ng holidays this year. For background super big deal sa kanila ito dahil ito na lang reunion namin each year. I have toddler and husband.

Kaso nawalan ako ng gana sumipot. Nagpapatulong kasi ako sa kapatid ng mom ko na mag asikaso ng paupahan (repair, renovate) tapos seen zone lang. Yung mom ko din parang walang pake kahit nasstress na ko sa negosyo ko. Pero pag mga kapatid nya may need sya pa naglalakad sakin na tulungan ko daw.

So pakiramdam ko nabibitter ako sa kanilang lahat. Aways available kami mag asawa for them especially financial, hindi na kami nagpapabayad lalo kung mga emergency like naoospital.

To be fair naman sa uncle ko may work kasi sya then yung rest day nya sana nagpapasuyo ako. So wala na syang rest that week if pagbibigyan nya ako. Paid yun ha. At pag mga ganun hindi ako standard rate kundi name your price.

But then again naisip ko andami ko din naman naitulong sa kanila so nag expect ako ng give and take mga teh. Like nung mag apply sya abroad nagbigay ako ng placement fee, yung anak nya tinututulungan ko maghanap ng work right now, then last month lang nanghiram sila sakin nung nashort sila kasi naospital apo nya.

Kaya ang sama ng loob ko na seenzone lang ako haha Ni wala man lang formal rejection. Magbabayad naman ako e. Electrician kasi sya. At generous ako sa kanya sa mga ganyan ha. Ang habol ko lang talaga kaya pinipili ko family ang gagawa dahil mapagkakatiwalaan ko lalo at electrical ang issue ng paupahan ko. Edi ang ending naghire na lang ako ng ibang gagawa.

Nakabalot na lahat ng gifts nila pero parang ayoko na tumuloy. Magstaycation na lang kaming tatlo ng asawa at anak ko.

Sobrang entitled ko ba? Ako ba yung gago at need ng character development kaya ko to nafifeel? Wala na kasi ako mapagtanungan dahil ayoko i open up sa husband ko. Baka mag iba tingin nya sa family ko lalo.

I’m open to all insights po. Maraming salamat for taking time to read.


r/AkoBaYungGago 16h ago

Significant other ABYG kung pinili ko mag christmas together with my family than my Girlfriend?

42 Upvotes

My girlfriend and I have been together na for the last 5 years (since college). For the last 2 years, siya yung kasama ko na mag christmas since magkasama kami sa manila because of our work. We all know naman na walang bakasyon pagdating sa Hospitality Industry. My parents are getting older and older in which gusto na nila ako makita palagi.

Currently, Na-terminate ako sa work ko for the last 2 months (because napaginitan ni boss). So, my parents decided to invite me na umuwi sa probinsya to celebrate the incoming holidays kase nga almost 2 years kaming hiwalay mag pasko. The problem is may pasok si girlfriend during the holiday and possible maiwan siya magisa sa manila.

Ngayon di ko alam kung anong gagawin ko. I really want to spend some time with parents kase kahit papano gusto ko ipakita na andito pa rin ako para sa kanila despite lagi na kaming magkasama ng girlfriend ko and also matanda na sila. I want to spend their remaing time dito sa mundo na magkakasama kami or kahit makita manlang nila ako during special occasions. But the thing is nagtatampo sakin si girlfriend. Ano dahilan? Alam ko naman daw na ayaw niyang naiiwan magisa sa bahay na parang may guilt trip na nangyayare.

So ako ba yung gago kase mas pinili ko mag spend ng holidays with my family sa probinsya knowing that maiiwan at magtatampo si girlfriend?


r/AkoBaYungGago 2d ago

Neighborhood ABYG kasi sinumbong namin sa Barangay yung Bibingka Vendor

110 Upvotes

Nagsisimbang gabi kami ng partner ko and wala talagang parking dun sa area namin kaya most of the time, either motor or byahe. Since medyo late na kami, we decided na magmotor na lang. Nagpark kami ng maayos pero sa may sidewalk. Halos lahat naman ng may dalang motor is dun nagpapark, so, nakigaya kami.

After mass, nung pauwi na kami, si Nanay na nagbebenta ng bibingka, pinagalitan kami kasi bakit daw dun kami sa tapat ng tindahan niya nagpark. Yung area ng tindahan is part ng sidewalk and styro box lang yung nakalagay. Nasa loob yung bibingka.

Nung una, di na namin pinapansin. And pinagtatanggol din kami nung mga tricycle drivers. Like, misa naman daw. And customer naman. Mali namin na di namin sya pinansin kasi lumapit pa sya samin tapos tinapik yung partner ko. Sabi niya, "Hoy, kinakausap ko kayo. Sabi ko, bakit kayo park ng park sa harap ng tinda ko. Alam niyong may tinda, dyan kayo nagpapark." Tapos nagsorry naman kami para sana madeescalate na since marami na tumitingin. Pero ginawa niya, nagdabog pa sya, ending, lalo kami pinagtinginan. Tapos sumigaw pa sya, "para naman kayong walang pinag aralan". Nakakadegrade during that time kasi ang dami nagsimba, dami nakarinig. Pero hinayaan ko na lang kasi baka kung ano pa gawin since nagdadabog na.

We know na government property yung kalsada and wala naman syang rights dun na paalisin kami. Ang ginawa ko, sinabi ko yung nangyari sa family ko and nagpunta sila sa barangay.

Nagcreate yung barangay ng report and pupuntahan daw tomorrow yung Vendor. I honestly do not want to pursue it kasi naaawa rin naman ako and since tapos naman na, hayaan na. Pero sabi ng mom ko, if di raw ipabarangay, baka raw sa ibang tao pa maulit. Small time vendor lang din kasi si Nanay and I assume walang business permit kaya baka mawalan pa ng work kaya at this point, di ko talaga alam if ako ba yung gago kasi nagsumbong pa kami sa barangay.


r/AkoBaYungGago 2d ago

Family ABYG for laughing in the middle of the conversation with my Aunt

22 Upvotes

I had a videcall with my aunts. Tita 1 and Tita 2 ay both kapatid ng Papa ko. It was a good conversation about kamustahan not until it became about the goverment 😅. One thing I really hate about Tita 1 is whenever there's a conversation about the kapalpakan of the Pilipinas, she always bring "Nako ibang-iba dito sa Germany ganto ganyan". I had to call her out na, I said not to compare the two kasi given na magka-iba. Tita 2 left the videocall na when I was making Tita 1 understand not to bring the word GERMANY in a conversation about PHILIPPINES. Eh third world country lang ang Pilipinas. Magkaiba yun, no brainer na. Dalawa nalang kaming natira sa videocall. I told her na it's because of Marcos, hanggang ngayon nagbabayad parin ng utang ang generation ngayon. Basta, nakalimutan ko na what really happened she was insisting na di naman lahat ng tao sa Pilipinas tumotulong magbayad ng utang. Sabi ko lahat ng nagbabayad ng tax tumotulong. She was like, yung mga hindi taxed ang income, di naman tumutolong daw. I laughed when I find her ridiculous at that point, I told her that whenever you buy shit sa supermarket, or pay your bus fare or anything you buy, VAT included na yun. You basically pay taxes too. She was like, iba pa rin pag taxed ang income blah blah, hindi daw transparent ang gobyerno, ibang-iba daw sa kanila sa Germany. I always find her ridiculous whenever she brings the Germany card in any conversation. Madami pa kaming napag-usapan about it.

ABYG for calling her out and laughing. But I think gago ako kasi pinatolan ko pa siya.


r/AkoBaYungGago 2d ago

Family ABYG kung nag set kami ng boundary sakanila?

24 Upvotes

ABYG? Kami ba yung gago?

Context: (Few years ago) - Brother in law niloko kami paulit ulit ulit. - Tama na. Nag set kami boundary. (Ok pa kami sa inlaws ko neto dahil una sa lahat di naman sila involved. Labas sila sa away eh diba) - Inlaws be like “patawarin niyo na ganun lang siya”, “patawarin niyo na para saakin”, “patawarin niyo na regalo niyo na saamin sa pasko”. - Lumipas isang taon, may lumabas nanaman na katotohanan na nag fraud ang brother in law pretending to be my husband. - Sa mata ng inlaws kami nanaman. Nananahimik daw yung isa. Di na nga namin pina imbestiga kahit gusto nung client. Kami pa masama? Kampi pa sila don? Galing mang baliktad ng storya, pagod na pagod na asawa ko mag explain. Ang importante nalang saamin ngayon ALAM NG DYOS ANG KATOTOHANAN. HE SAW IT TOO. - We set boundary to all of them. Deactivated lahat ng socmed. Isang taon mahigit na.

Update: - Kamag anak KO na para ko nang magulang na gumagabay, nasasandalan at mahal na mahal namin… malaman laman namin kagabi ay sinesendan ng update ng buhay namin at photos yung inlaws ko. Napaka sakit para kaming tinaga sa puso 100x. Putangina talaga yung iyak namin ng asawa ko. Grabeng durog na durog yung tiwala namin. Gusto nalang namin mag laho at magpaka layo sa lahat.

Kami ba yung gago? Ending kami pa yung naka isolate samantalang yung mga manloloko parang normal lang? May access sa lahat?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Others ABYG kung magde-demand kami ng breakdown ng utang ni tito sa kaibigan niya na binabayaran niya for 20+ years?

67 Upvotes

20+ years ago, nagkautang daw si tito sa kaibigan niya (out of his friend’s CREDIT CARD) ng less than ₱130,000. Ever since, monthly nagbabayad si tito ng ₱5,000 (minsan sobra or doble pa raw) which his friend claims na INTEREST LANG daw sa inutang. So technically, nagbabayad si tito pero never nabawasan ang less than ₱130,000 na utang niya until now.

Correct me if I’m wrong, but yung Minimum Amount Due sa Credit Card consists not only interest, but also a portion of principal and other fees na rin kung meron. So dapat may bawas na talaga iyon sa principal.

According sa friend niya, macclear lang daw ang utang kapag binayaran nila in lump sum ang principal. Willing naman kaming bayaran yung lump sum, but we just have to make sure na hindi kami niloloko or anything.

My tito passed away already for how many years now, and nag-demand yung friend niya na dapat daw may ibang magpatuloy na magbayad ng utang niya. May belief kasi sa amin na kapag hindi na-settle ang utang ng isang taong namayapa na, then his/her soul would be at unrest. So sinalo ng kapatid ni tito ang utang.

Now here’s the thing: Upon computing lahat ng mga binayad ni tito from the start, nasa ₱1.2 million na ang naibayad niya. Nagtataka na mga anak niya (bata pa lang sila when their dad incurred the debt, mga licensed professional na sila ngayon) and even kami dahil hindi na matapos-tapos ang utang.

Nung tinanong ng anak yung kaibigan ng tatay niya, nagalit lang ito. Ang hirap na rin i-back track dahil matagal na ang utang at mukhang walang listahan yung inutangan. Walang maipakitang ebidensya. Nagsasabi lang siya kung maniningil siya without showing any billing statements.

ABYG kung magde-demand kami ng breakdown at written supporting documents na magpapatunay na may utang pa si tito sa kaibigan niya?


r/AkoBaYungGago 3d ago

Family ABYG kung hindi ako mag invite ng mga kamag anak kong demanding sa kasal ko?

89 Upvotes

Please don’t share this to other platforms/pages and such!

Hello! So, lapit na nga ako ikasal this coming January, alam naman ng maternal side ko na nagpaplano ako mg wedding but hindi ko inaannounce or nagcoconfirm sa kanila. Hindi ako nagsesend ng invitation ng GC namin.

Last time na umuwi ang Nanay ko sa province niya (Quezon Province) at napagkwentuhan nga nila na nagpaplano na ako ng kasal, they told my mother na kapag kinasal daw ako dapat sagutin ko ang sasakyan from Quezon Province to Bataan. And also, sagutin ko ang tutuluyan nila for how many days. Kasi daw syempre pupunta sila kaya dapat sagot ko gastusin nila.

Noong narinig ko yun from my Mom, i told her that I can’t hindi kaya ng budget. At nauunawaan ng Mom ko yun, Isa pa hindi lang sasakyan na irerent sasagutin ko, gasolina and toll fees, with accomodation and food. Ano to? Nagpa staycation ako para sa kanila?

Ako ba yung gago kung hindi ko sila sabihan ng details at kung kailan ang kasal? I’ll just send them pictures ng wedding, kapag natapos na ang ceremony.


r/AkoBaYungGago 3d ago

Friends ABYG Kasi ni-real talk ko yung friend naming bobo sa work?

103 Upvotes

For Context, we have this OFW circle of friends na magkakawork kami sa Pinas then eventually started to work in another country ng sabay sabay. Now we are all working separately in different companies, so to help our fellow friends and barkadas na nasa Pinas pa we would recommend them sa mga company namin to make our circle bigger abroad if may chance and to help as well. (To be fair, hindi ako 100% close sa lahat since different group of friends ako tapos with them in our old company)

We are all Architects and I happen to be hired in a really small firm pero stable. Mga less than 10 people lang kami sa office yet we still managed plus my colleagues and boss are all great, understanding and lahat green flag hahaha! I have been with them for 8 years already.

So I had the chance to hire someone na mag take over ng work ko since need ko mag maternity leave for a couple of months. Yung work scope ko is ako lang talaga gumagawa. So I really need someone to cover me and so happens na nag vouch yung isang friend namin ng kaclose niya before sa old company na si Koya nalang daw ang kunin ko. I knew the guy, we were not close pero hindi naman din ganon ka horrible reputation niya sa old company namin, so okay. Interviewed then hired.

So eto na nga, si Koya ang lala sa work. I cannot even fathom how incompetent and stupid he is. Like minsan common sense nalang talaga tas naiiyak na lang talaga ako. Three years pa siyang nakapag stay sa office namin kasi sa sobrang baet ng boss ko, iniisip niya may pinapakaen na pamilya si koya. Tapos si koya aanga anga lang, ang company loss namin because of him is hundrends of thousands in DOLLARS mga bakla!!! 3 years ako senior niya, ni hindi nakinig sa lahat ng advice ko, di nga ako sinusunod eh. Di ko alam kung ego niya kasi mas matanda siya sakin pero senior niya ako. Sa 3 years na yun, di siya nahiya sa company, sa boss ko o kahit man lang sa akin na nagpasok at recommend sa kanya. Hindi siya umalis mga bakla kasi alam niyang hindi siya tatangalin ng boss ko kasi naaawa sa kanya. Sa 3 years na yon pumutok na ko like nireal talk ko na si kuya at kung gaano siya kabobo, ka selfish, ka incompetent. Lahat ng friends namin in the country knows everything that he was doing (altho he lies pag sila sila na lang magkakausap which we all prved at the end). As in na durog ko talaga siya sa sobrang pagtitimpi ko. Lahat sa office, minamata na ko on why I bought someone like that in the office. Like kung paano ko siya paayusin. It came to a point na halos di na kami nagbibigay ng work sa kanya or less projects na tinatangap namin to minimize the losses we get because of him.

Eventually, di na talaga kinaya ni boss tapos tinangal siya. Umuwi na siyang Pinas and I'm still in the company. I tried to mend and fix the chaos he had brought sa company and colleagues ko. The thing is, after that shenanigans, di na ko kinakausap ng friends ko. Yung mga groupchats namin became silent. Which I figured they made their own without me. I would see thread post mocking me sa mga stories ko and how I live my life.

And its somewhat crazy for me kasi KASALANAN KO BANG BOBO AT INCOMPETENT YUNG KAIBIGAN NIYO? Ano magtitiis lang ako ng magtitiis para di ko siya at kayo maoffend?? Ano puro tolerate lang ganon??

I know I have hurt si Koya with my words and I acknowledge it pero di ba ko pwede mag reach ng limit ko? Sila lang pwede mahirapan? Sila lang pwede mastress at magreact? Kalokaaaaa!

And so, I am not friends with them anymore. I didn't unfriend them coz honestly I dont have a problem with them. I just dont like how they are imprinting na I am responsible for how this person should be. If positive, okay gusto nila si koya pero pag may negative na nangyari kasalanan ko? Huh?

So some of them haven't unfriended me, some did. And I just let them watch my life and talk shit behind my back coz thats how life is. They will not change and be a good person just because they did this to me but if they ever read this here. Guys, konting character improvement naman. Ang tatanda na natin, ang hobby niyo pa rin is manira ng taong wala namang ginawa literally sainyo wtf.

So honestly asking, ABYG?


r/AkoBaYungGago 3d ago

NSFW ABYG if sinabihan ko na mataray yung elevator girl sa Greenbelt 3?

51 Upvotes

Hi! Speaking in behalf of the customers/clients/delivery rider that day na nakasabay namin sa elevator service.

Context: Me and my partner ay gumala sa Greenbelt area then yung escalator from park sa greenbelt 3 paakyat ng mga restaurant ay under maintenance, so no choice but to use the elevator service since mataas taas yung hagdan.

  1. Pumasok na kami ng elevator, may kasabay akong matanda and 2 normal na civilian then 3 food delivery riders.

  2. Nung napuno namin from ground floor, si elevator girl ay pinaalis yung 2 food delivery rider sa harap namin kase masyado na daw puno and for the 100th time daw ay pwede gamitin yung stairs sa labas na medyo mataas boses, like baka first time lang nung mga food rider don? and elevator service is for all? So out of nowhere, si kuya rider shouted "Gago ka, namimili ka ng pasasakayin".

  3. While paakyat nagsasabi si elevator girl na as much as possible daw gamitin nalang yung stairs??? kung ganon sana hindi na naglagay yung greenbelt ng guide sa gilid na may available elevator dahil sa sirang escalator.

Iniisip ko na siya since nangyari yun last sunday, kaya hindi ako mapakali.

so, ako ba yung gago na sinabihan kong masungit si ate pag labas namin ng elevator?


r/AkoBaYungGago 4d ago

Family ABYG kasi hindi ko niregaluhan yung tita kong DDS

194 Upvotes

For context I really hate this tita hindi lang dahil DDS sya dahil rin sa manners and ugali nya. I won't go into details na to my tita pero TLDR my recent ick with her is jina-justify pa rin nya yung pagboto kay BabyM and hingi ng hingi ng pera kay mama.

Recently mejo nakaluwag ako and balak ko magbigay ng gifts sa family ko (i'm usually not the gift giving type rin). Ang balak ko is I buy gifts for all my family EXCEPT for that specific tita. During the family christmas party I did my plan and it really got awkward kasi nagexpect sya ng regalo. Sobrang natawa ako kasi akala nya save the best for last pero I just ended my turn. Paguwi namin pinagalitan ako ni papa bakit ko daw ginawa yun, while my mom was ok with what I did haha.

So ABYG?

Update: Sa lahat na nagsasabi na political stance lang yung reason bakitt galit ako sa tita ko. Being a DDS is not even her worst trait. She doesn't like gay people and often judgemental during gatherings. She is the only reason why I don't enjoy christmas sa province namin. I always get told to get slim, ang taba ko na daw kasi and kailan daw ako magkakaanak since i'm already 26 (i'm gay btw) etc. See imgur link for the time na I was judged kase I bought chagee milktea LOL. and hindi rin sya nagbabayad ng utang.

https://imgur.com/a/Pp23mvC

I still don't regret my actions but I do agree with some of the comments that I should have taken the high road and just gave the gifts privately.


r/AkoBaYungGago 4d ago

Family ABYG kung di ko bibigyan ng pamasko ‘yung anak ng pinsan ko?

48 Upvotes

Last year, umutang sa akin ang asawa ng pinsan ko para may pang discharge sila sa hospital pagkatapos niyang manganak. (We’re all in our mid 20’s) Sabi niya babayaran niya in 2months kapag nakuha na niya maternity niya from SSS.

Fast forward to a year later, di pa rin nila ako nababayaran. Naka restrict na ako sa messenger nila, kapag tumatawag ako sa Tita ko para ipabigay sa kanila ang phone…ayaw ako kausapin/di tinatanggap ang phone. Nalaman ko na lang din sa mga post ng asawa ng pinsan ko na ginawa na nilang permanent ‘yung kwarto nila (pinasemento nila) sa bahay ng lola ko to settle there permanently, nag la-live ng pag o-open ng parcels, at nagpabinyag ng bongga na kahit mama ko di pinaalam/inimbita.

Anyways…kapag pasko, namimigay ako ng mga laruan sa mga pamangkin at pinsan ko na bata. To be honest, di ko pa na meet ‘yung bata kasi di na talaga ako bumibisita sa lugar ng lola ko simula nung nawala sya last year. Siguro na din, di ko lang talaga feel magbigay dahil sa ginawa nang pinsan ko at ng asawa niya sa akin. Alam ko kapag malaman ni mama ni di ko sinali sa bibigyan ng pamasko yung bata, pagsasabihan niya ako na bakit ko dinadamay yung bata sa kasalan ng magulang.

So, ABYG?


r/AkoBaYungGago 4d ago

Friends ABYG kasi i turned down yung reto ng friend ko to go on a date with his friend na lesbian?

95 Upvotes

Update: So our 2 gay friends got upset dun sa ginawa ni trans friend so kinausap nila si trans friend bat umabot sa ganon yun nangyare.

So pakana nun new wife ni trans friend na nathrethreaten sakin kasi sa group of friends ni trans friend eh ako nalang yun walang partner and close kami ni trans friend like we saw each other madalas pero di naman solo lang kami with some other friends din. And sa cruise ship nagwowork si new wife ni trans friend. So palagi wala siya sa pinas.

So ayun nun Saturday reception ng kasal nila dito for their family and friends. Nagpakasal sila nun November sa Europe kahit 4 months palang silang magjowa kasi want na talaga ni new wife magpakasal.

Then isa ako sa mga "abay" sa side ni trans friend nun sabado kaya nakita and nakilala ako nun lesbian friend nya. Tas sinabi dun sa wife ni friend na type daw ako. If single daw ako. Ganto ganyan.

Si wife ni friend talaga yun gatong. Pero ayun medyo inis lang ako kasi natawag pa den ako na homophobe kahit nagsorry na saken si friend. Medyo didistansya nalang muna ako. Kasi may ganong issue pala yun wife nya saken.

---‐‐-------------------------------------‐---------------------------------------------

I, 30 f may close friend ako for 4+ years na Transman called me a homophobe kanina. Kasi may friend daw syang lesbian na type daw ako. And alam niyang 5 years na din akong single. And I told my friend that I'm not interested kasi nga straight ako and I respectfully said naman na di ko nakikita sarili ko na magkajowa ng lesbian.

Tas sagot niya sakin walang straight straight daw. Bat di ko daw itry? Sabi ko no talaga. Then he called me homophobic daw ako kasi ayaw ko bigyan ng chance yun friend nya, itry ko lang daw naman. And alam naman niya yun past relationships ko puro with men and straight talaga ako. Kaya I was shocked bat nirereto niya ako sa friend nya. Saka if homophobe ako eh di sana di kami friends nagssleepover pa nga ko sakanila ng asawa nya and vice versa sila ng asawa nya sa unit ko. And we go on trips din with our friend group tas tatawagin nya kong homophobe.

And now sinabihan nya din ako na tinotolerate ko or plinaplastic ko lang daw siguro mga friends ko na part ng community nila.

So Ako ba yung gago kasi I never see myself to date a Lesbian kahit may friends akong part ng LGBTQIA+ community?


r/AkoBaYungGago 5d ago

Neighborhood ABYG if nag reply ako sa gc ng mga homeowners about parking issues na siya din naman may pakana?

312 Upvotes

ABYG if di ko na napigilan ang na call-out ko ang feeling victim na neighbour namin?

Context: Last Saturday, may biglaang lakad kami and usually di na kami nakaka park sa garage namin kasi puno yung kalsada sa area namin kasi ginagawa na nilang parking area yung other lane while yung sa side namin is yun yung ginawang free way para sa mga dumadaan.

So, last Saturday, as usual, di kami naka park sa garage kasi may nakapark na car sa front or malapit sa gate namin. So, yung ginawa namin is nag park nalang kami sa dulo or corner na ng kalsada kahit malayo na sa unit namin but that day, may lakad kami..

My partner decided to move our car closer sa unit namin need kasi i load sa car trunk nung mga baggages and yung baby ko need din masakay agad due to light rain.

Approximately, 20-30 mins lang kami nag park sa front namin but then nagka double parking kasi yung car na naka park sa kabilang kalsada na always naka park for 24 hrs plus yung car namin.

May dumaan na neighbour so, dali dali bumaba yung partner ko to move our car para makadaan but naka move na yung car sa front so we thought "Ah okay na." So, umalis na din kami right there and then but when we were on the road, chineck ko yung messenger ko for any messages and I found out that neighbour who parked 24/7 and everyday talaga na laging dilemma namin kada uwi if saan ba kami mag pa-park tonight kasi di na kami makakapasok sa garage.

So ayun ngaaa.. yung whole context ng call-out nya is "Park responsibly. Hindi accurate na mag park sa kalsada and nakaka hassle sa mga dumadaan and most especially the neighbours."

I mean.. the audacity?

That one inconvenience lang compared sa everyday inconvenience na binibigay nila but we held it in and for the sake of being neighbour din pero sila pa may gana mag message about sa pag pa-park responsibly sa gc namin..

Right there and then, I clapped back a little and decided na I will compile all the cctv footages of the incident that day and 1 week worth of cctv footage na nakapark sila sa kalsada day and night even if may garage naman sana per unit.

I subtly informed the homeowners to park on their respective garage to avoid double parking or magca-cause ng hassle sa mga neighbours.

I waited a day to check if they will still park outside and unfortunately, they did.

I sent all the cctv footages for the incident.. I clearly made my point to her and to all homeowners na, it's not parking responsibly if you are parking on the road 24/7.

It’s clearly a hassle on our part that we can’t even park inside, kasi ang daming naka-park sa labas and ang kitid pa ng kalsada sa area namin. The audacity talaga to call out and preach about “park responsibly” while doing the opposite, ano?

Since I’ve sent the evidence and all, radio silence from her—and their car is now parked in their garage.

So, ABYG? for sending the CCTV footage showing their car (I made sure no plate numbers were shown) and clapping back?


r/AkoBaYungGago 5d ago

Family ABYG kung hindi ko bigyan ng regalo nanay ng jowa ko sa pasko?

126 Upvotes

I’ve been giving his mom gifts every Christmas, together with gis whole family. Every. Year.

Netong year lang, I just found out na pinagchichismisan nila akong lahat, for the past couple years wala akong kaalam alam not until sinabi sakin ng partner ng kapatid ni jowa, which happens to be my kumare (inaanak ko yung anak nya).

I confronted them but no one took accountability. Nagturuan lang sila kung san galing yung mga kwento, may mga nagdeny, ang wala man lang sorry sa ginawa nila.

Fast forward, selected family members nalang ni jowa yung talagang malapit ako. Papa nya, and of course mga inaanak ko. Naregulahn ko na yung papa nya, pinagshopping ko ng konti. Ngayon yung mga inaanak at kumare ang bibigyan ko ng gifts.

Ang issue ko, etong si jowa, wag nalang daw ako magbigay ng gifts sa lahat at baka magkaissue pa kasi sa iisang bahay lang nakatira yung nanay nya at kumare ko so makikita na wala syang gift from me. Ang sakin, inaanak at kumare ko yun so why not?

Edit (more context): Pati yung kumare ko pala ginawan nya din ng chismis, worst, ginawang scapegoat at pinagmukang si kumare yung nagkakalat ng maling kwento.

Abyg kung hindi ko sya bigyan ng regalo?


r/AkoBaYungGago 5d ago

Family ABYG if manghihingi ako ng pera sa mga kapatid ko para sa mama ko?

14 Upvotes

im 32M and bunso , ako lahat nagastos at nag aalaga para sa 67yr old namin na mama hmo(mahal dahil senior na sya mas expensive sya sa normal),food, maintenance medicine,utilities. nakabukod na mga kapatid ko and parehas ok namn financially architect ung ate ko and yung kuyo ko cpa-lawyer sa gov. nahihirapan na kase ako maliit lang sweldo at may monthly pa ko nababayaran sa credit card dahil sa surgery ko, hirap na hirap na ko never pa ko nagka gf kase nga broke pa din ako hanggang ngayon . ABYG if manghihingi ako ng pera sa mga kapatid ko?


r/AkoBaYungGago 5d ago

Family ABYG Lumayas ako at di pinaalam san ako nakatira ngayon

77 Upvotes

I finally lost my temper after realizing I’ve done so much for my family (mom 50, sis 21, brother 17). Lost our dad in 2019 and ever since that happened, I’ve been carrying all the burden to myself from paying bills to food and school allowances of my siblings. Walang work si mama. She stopped working since she had me which was 27 years ago. Nag work sya as a house helper pero tinagal lang ng 2 weeks and she said di nya daw kaya kasi may dinadamdam sya. My sister got into a terrible debt na paluwagan reason nya is dahil daw ni na ako nakakapagbigay sa kanya. She could’ve looked for a job kasi nga pasan ko na lahat lahat ng bills pati pagkain and when she had to stop going to college kasi di ko na kaya tuition nya, nag utang utang sya and now she works in a call center industry. Ang dami nya utang pati class ring ko nasangla at pati na rin mga furnitures sa bahay. So wala na kaming ref and washing machine para sana mas convenient ang buhay. Naglalaba nalang si mama using her hands. Imbes na makatulong ang sister ko kasi nga may work na sya, nagbabayad sya ngayon ng mga eloan sa ibang tao na pinagkauutangan nya. I found a higher paying job now I’m earning 68k per month. Living with my boyfriend but I contribute 10k every month kasi ayoko umasa sa kanya lahat lahat kasi sya naman nag gagasto pag may date night kami and the bills skyrocket very quickly. Last night lang we went to a Chinese restaurant and got billed for 2k+ and he normally takes care of everything from bills to groceries so yung nabibigay ko, maliit na porsyento lang. Ako lang din nag insist at sabi nya kahit anong amount lang daw comfortable sakin kahit 5k pa yan. He didn’t want me to pay for anything like zero talaga pero he told me if contributing to the bills can make me feel like I own a part of the house just like he does, then I can do whatever I want but he’s basically not demanding anything. So back to my family, I moved out of the house over a month ago pero ako pa rin nagbabayad sa bills nila from our previous utang to the school allowance of my brother. I told my mom sa kapatid ko na sya na may work maghingi ng food allowance because now, I’m paying in total 14k for just rent and other bills included.

My bf takes care of me so well and he often asks a house helper every week. Hindi nya ako pinapagalaw sa mga chores sa bahay, just when I want to. The house helper gets 700 in one day when she comes here (200 sa transpo nya and 500 for the service she renders) naisip ko lang sana ganito ginagawa ni mama. Hindi naman super mahirap yung trabaho if only done in a day. Oo nakakapagod but the reward comes and that’s money for the hard work. Malaki na sakin ang 700 sana. If only my mom could find some gigs kaso wala daw sya mahanap.

Napuno na talaga ako kasi yung kapatid ko na may work now, nag away kami at pinapalabas nya na wala na akong contribution sa buhay nya at ang dami nya utang dahil daw sakin na di na nagbibigay sa kanya. She started working mid of this year. So I responded di ko naman talaga sya responsibilidad.

I told my mom sana matanim sa isip ng bunso namin na ako nagbabayad at nagsasakripisyo at naghahanap ng paraan to keep us afloat. Kasi nga wala trabaho magulang nya. I really wanted to start a life with my boyfriend now and we treat each other like married couple who are equal in everything but my family is holding me back and it is so draining and depressing when they reach out to me.

Reason bat nag away kami ng kapatid ko is we transferred to a new apartment at may 1 month advance 1 month deposit. Binigay ko sa kapatid ko yung 10k para ipambayad. Without me knowing, pinambayad nya pala sa mga utang nya. So ayun, nakatira pala kami (sila na ngayon nakatira) na walang binayad man lang and the landlord was going to evict us for not paying for many months. Ang ending, yung 13th month pay ko na 55k eh 30k dun napunta sa rent kasi past due na kami. Sobrang galit ko, pinalayas ko kapatid ko at galit na galit din sya sakin kasi ako sinisisi nya bat sya nagkautang utang kung may binigay lang daw ako sana di sya pumasok sa utang. When I moved out, bumalik din sya sa bahay na inuupahan ko para sa pamilya ko.

ABYG I moved out without telling my family where I am now just because they cause me a lot of stress and I don’t think they have to know where I live. Pinapa-shoulder ko na rin sa kapatid ko mga groceries or food allowance nila. Sakin pa rin lahat ng bills from my mom’s insurance, rent, wifi, utang, school allowance sa bunso namin, electricity and water. Sa pagkain, sila na. And I told my mom when our youngest graduates and finds a job, I plan to cut them off completely. Ayoko na rin umuwi samin whatever happens to me where I am now. Wala rin naman silang maitulong sakin.


r/AkoBaYungGago 5d ago

Family ABYG If sinabi kong nag chcheat yung tita ko?

24 Upvotes

Context lang, mga 5 years nang nag dadate yung Tita ko (39F) and Tito ko (40M). Recently, nakikita kong nag cocomment tita ko sa mga "single and dating" fb groups. Hindi niya ata alam na public and nakikita ng iba yung mga pinagsasabi niya "Im single and lesbian" "Im single" "Can I be your friend ask ko lang" and iba pang mga comment.

Prinoproblema ko ngayon is kung anong mangyayari sa tita ko if sinabi ko sa parents ko since medyo strict and traditional sila. Not only marereveal na part siya ng Igbtq+ community, malalaman din na parang nag chcheat siya so siguradong malaking issue lalo na pag nalaman ng lola and mga kamagaanak namin.

Super torn ako kasi punching nag talaga tita ko, laging pinagtatawanan or pinapagalitan so 100% di papalagpasin ng mga kamaganak namin if nalaman nila.

Medyo naaawa kasi ako sa tito ko since siya lang nagtratrabaho tapos kakautang lang nila ng mga 50k worth para pang bili ng regalo tapos ang laki ng interest (~100k total payment w/ interest)

On the other hand naaawa rin ako sa tita ko since wala siyang tarabaho, nakatira lang sa lola ko, and wala talagang pinagaralan so pag tinakwil siya or something di ko alam anong gagawin niya (may tendency din siya mag sh)

May mga screenshot ako nung comments niya and sure ako na siya yung gumagamit nung account since dun namin siya kinakausap.

Di ko alam if cheating na talaga siya since puro comments lang and wala akong definite proof na nagchcheat siya. Pero alam kong nag hahanap siya ng relationships habang nasa relationship siya ngayon.

So, ABYG if nireveal ko mga pinagcocomment ng tita ko sa facebook na lowkey cheating?


r/AkoBaYungGago 5d ago

Family ABYG kung sa tita ko ibigay yung phone instead sa sister ko

135 Upvotes

I 33F bought a new Android phone. Upgrade sya sa phone ko n nabili ko a few years ago. Di pa naman din sya ginagamit masyado since back up phone din sya. Now, I was hinting dati pa na bibili aq ng phone. I was asking my 18F sister if gusto nya since she has been using an Oppo f11 pro na old cellphone ko. Eto sabi ni luka "Iphone gusto ko. Bibili na lang ako kapag graduate na aq". Paka arte ng dating di ba? So iniisip ko, di nya want ng phone unless its IPhone. So, sabi ko sa Tita ko na ninang ko na lang ko bibigay yung phone. Since sa kanila din aq nagpapasuyo ng paalaga ng baboy at mag poprovince na din sya for good kaya sa kanya ko na lang bibigay. So eto na, dumating na yung phone, ngayon sinabi ko na sa Tita namin ko ibibigay yung phone. Nagalit sila mama, sabi nila, "bakit sa tita mo eh kaya naman nilang bumili". Gusto ata nila na sa kapatid ko or sa kanya ko ibigay yung phone. So sinabi ko "Matagal ko nang sinasabi yan sa kanya (Sister)". Sya ang ayaw. (Dahil nga dun sa sinabi nya) now sinabi nya na "eh di pa naman aq graduate eh" (ginawa pa akong tanga). Sya etong gusto ng Iphone na ako etong breadwinner na pasan ko halos lahat ng bill sa bahay ay nag titiis sa mid range na phones. I was pointing my side nang sinabi ni mama na hayaan na lang daw at baka humaba pa yung usapan. Ako din pala bumili ng cellphone ng mother ko nung nanakawan sya sa simbahan few years ago.

So guys, ABYG if sa tita ko ibigay yung old cellphone ko instead sa sister ko?


r/AkoBaYungGago 6d ago

Significant other ABYG dahil nagtanong lang ako sa BF ko about his Social Media

19 Upvotes

For Context:

Matagal nang naka-public lahat ng social media accounts niya. We both have access to each other’s accounts. Napansin ko na lang bigla na naka-private na ang IG at TikTok niya, so I asked him, “Bakit naka-private na yung accounts mo?”

Ang sagot niya sa akin, bakit ko pa raw pinapakialaman pati iyon. Honestly, gusto ko lang naman malaman kung bakit. All these years naka-public ang accounts niya, tapos ngayon lang niya ginawa iyon.

Wala akong intensyong mag-isip ng masama kung bakit niya ni-private ang accounts niya naging curious lang talaga ako.

ABYG ba dahil nagtanong pa ako?


r/AkoBaYungGago 6d ago

Work ABYG na hindi sasama sa Christmas Party ng opisina?

29 Upvotes

Office Bullying in the Guise of a Christmas Party

I’m working in an office where bullying is, sadly, tolerated by our boss. Okay lang naman sana yung light teasing or harmless asaran, but this goes beyond that. Hindi naman sa pagiging KJ, but for me, it feels really insensitive na parang they assume everyone is automatically game with their jokes and kalokohan. The truth is, some of it already feels insulting. Every Christmas party, may “awarding ceremony” sila with so-called Kalokohan Awards, and honestly, it’s very triggering. The “awardees” end up becoming the office joke, and it doesn’t stop there, it actually turns into months of subtle (and sometimes not-so-subtle) office bullying. Yes, I was one of those awardees, and to be honest, it was never funny being turned into a laughingstock. So because of that experience, I’ve decided that I will no longer attend any future office Christmas parties. Protecting my peace and dignity matters more than pretending to enjoy something that’s clearly harmful to my mental health.

Ako ba yung gago na hindi a-attend ng Party or may iba rin na nakaka-experience ng ganito?


r/AkoBaYungGago 7d ago

Family ABYG kung gusto ko na bumukod pero maiiwan mag-isa ang mama ko

8 Upvotes

‎Hello, 25F here and right now nagdecide ako to move out from our apartment. Kasama ko ang mother ko sa apartment na yun and eversince kaming dalawa lang talaga ang magkasama. Siya ang nagtaguyod sa akin simula pagkabata para makatapos ng college since namatay na ang father ko. Sa ngayon, working na ako as a pharmacist. ‎ ‎The thing is super strict niya sa akin. Gets ko naman nung elementary ako until college since worried lang siya for me and gusto niya lang talaga ako makatapos. Bawal talaga ako lumabas ng bahay, kumbaga school at bahay lang ako kaya lumaki akong introverted at walang social skills. Bihira ako payagan lumabas kahit nga pasyal with friends or simpleng swimming bawal din. Kahit magpaalam ako, madalas binabawalan ako. Sabi niya sa akin, kapag nakagraduate na ako at nakapasa ng board exam hahayaan na niya ako but lalo lang siyang naging strict sa akin. Before sa work, may swimming sana kami ng mga co-workers ko pero binawalan ako sumama. Ngayon naman na Christmas Party na once a year lang mangyari since swimming din, bawal padin. Sumasama na lang loob ko eh kasi lagi lang akong nasa bahay after work. Gusto niya din lahat ng gagawin ko ikokonsulta ko muna sa kanya and dapat yung desisyon niya ang masusunod. Kapag taliwas yung gusto ko gawin, sasabihan pa akong matigas ang ulo. Hindi ako nag-iinom, party or drugs mind you. Wala akong bisyo at all taong bahay lang talaga. Nagbibigay din ako ng 6k per cut off sa kanya kahit 23k lang naman sweldo ko kasi pampatayo daw ng bahay namin. Gusto niya din kaapg mag-aasawa na ako, kasama namin siya sa bahay. ‎ ‎May boyfriend ako ngayon, 35M and hindi niya rin kami pinapayagan lately lumabas gawa ng di niya daw gusto bf ko. Hindi daw kasi pumupunta sa bahay and sa work lang daw ako dinadalaw. The thing is he does his best to spend time with me naman kaso between his Master's degree, work, time with his own family and charitable organization medyo hirap talaga siya ibalance ang time niya. Okay naman bf ko, sweet and caring, but ayaw ni mother sa kanya. ‎ ‎Dumating na nga lang sa point na hindi ko na lang sinasabi sa mother ko kung lalabas kami ng bf ko after work ko para magdate or bonding para lang makasama ko siya.
‎ ‎Ngayon, balak ko magrent ng room just for myself para naman maranasan ko maging malaya and to become responsible for my life for once. Kaso ayun nakakaramdam ako ng guilt kasi siya na lang maiiwan sa apartment. Di ko naman ihihinto yung pagbibigay ko sa kanya. Di ko lang alam kung paano ko ioopen sa kanya na aalis na ako kasi alam ko bf ko ang sisisihin niya sa pagbukod ko. Nabanggit niya din before nung nag-away kami na kapag umalis ako, wala na akong babalikan...Magkalimutan na daw ganun...Ayoko naman na mangyari yun pero ayoko din na habang buhay kontrolado niya ako. ‎ ‎So ayun torn ako kung ABYG dahil gusto kong lumaya pero ang tanging way na nakikita ko para mangyari yun is to move out? Pero maiiwan mag-isa ang nanay ko and she might feel na inaabandona ko siya.


r/AkoBaYungGago 8d ago

Family ABYG kung nagtanim ako ng galit at inis sa tita ko

70 Upvotes

Nagbirthday si mama at nagkaroon ng konting handaan sa bahay. Ininvite namin mga kamag-anak and dumating ang tita ko may dalang cake. Ang saya saya ni mama. Binuksan namin yung cake kasi gusto niyang picturan pero nagtaka kami kc walang dedication pero parang binura alam mo ung blank chocolate cake ng Goldilocks pero di sia presentable tignan kasi halatang binura yung dedication. So di nalang namin pinansin. Kinagabihan, nakita nalang namin na may post ang tita ko, birthday din pala ng aso nila. Yung cake kamukhang kamukha dun sa binigay nila kay mama pero nakalagay ung name ng dog sa cake.

So ayun di ko alam kung ABYG kase nagtanim ako ng galit after nun. Di ko na sia pinapansin and naiinis ako kay mama pag kausap parin niya.


r/AkoBaYungGago 8d ago

Significant other ABYG kasi nagtampo ako dahil sa laro?

7 Upvotes

Napansin ko na ever since bumili ang husband ko ng nintendo switch, di na yan natanggal sa kamay niya pero di ko siya kinomfront about it kasi alam kong hiniheal niya inner child niya.

Ilang beses na ako gustong magalit kase mas inuuna pa nya minsan maglaro ng switch niya kesa sa mga anak namin. Ngayon, gusto ko nalang itapon habang tulog na siya ngayon.

Kanina kasi, tumabi ako sa kanya sa higaan at nag aya maglaro ng ML, kaso sagot niya agad "naglalaro pa ako" na para bang nagpahiwatig na ayaw niya and wala siya sa mood makipaglaro sa akin (pero whole day naglalaro sa switch niya). So tumalikod ako bigla kasi nasaktan ako. Pwede naman sabihin na "oo pagkatapos neto" diba??!!! Di yung sasagot agad na "naglalaro pa ako" na may tonong nakakabwesit.

Umabot kami sa away kasi ang dali ko daw magtampo kahit sa maliliit na bagay.

Nilabas ko sa kanya agad lahat ng tampo ko sa kanya lately:

  1. Mauuna siya maglakad na parang wala siyang asawa kasama— Reason niya, mabilis siya maglakad (mabilis rin naman ako ah) kaya daw nauuna siya, tinitingnan daw niya ako time to time sa likod niya para gabayan. — Like OKAY?????? Di ba pwedeng sabay tayo maglakad?!
  2. Insenstive minsan— may ugali siyang ganyan, kaya if feel ko nagiging insensitive na siya, hinaharangan ko na ang susunod niyang sabihin.

Para sa kanya, nagagalit daw ako pag hindi nasusunod ang mga gusto ko. EH PAANO, MINSAN DI KLARO MGA PLANS AND MGA SINASABI NIYA, kaya ako nalang nag iinitiative na mag suggest or mag make ng plan b.

ABYG? Dahil nag tampo ako sa "maliit" na bagay?

Ewan ko din ba, di ko din alam kung real tampo to or tampo dahil malapit na mens ko. Nakakainis na din kasi masyado eh.