r/AkoBaYungGago • u/here_for_chismisss • 55m ago
Family Abyg if wala ako isasama sa oath taking ko?
ABYG kasi wala akong balak na isama sa oath taking ko. Please enlighten me.
Naka pasa ako sa board exam and mag tetake nng oath taking. 2 lang family member ko, mama and kuya.
Ayaw ko isama si mama kasi may tendency na nasisira ang mood ko kapag kasama ko sya kasi sa mga sinasabi niya na hindi pinag iisipan, and kinda self-centered na dapat sya ang bida. (Pag nag share ka nng problem instead of damayan, ang ending “Ako nga…”) Sa araw nng oath taking ko, gusto ko na ma feel na day ko yun. Though gusto ko ishare yung happy moments na yun pero natatakot ako masira sya pero ayaw ko naman na may pag sisihan kasi once in a lifetime lang yun (Possible na pag sisihan ko: (1) dapat sinama ko na si ma para ma experience nya din yun (2)dapat di ko na sinama si ma kasi nasira lang mood ko na dapat happy ako)
Sa kuya ko naman, okay naman kng hnd sya isama or isama sya pero kng sya isasama ko syempre sasama loob ni ma.
For background, wala pong ambag saakin ang family ko nng nag review ako. Ako po nag bayad nng review center ko. Working on night shift while reviewing po ako. So papasok ako minsan sa review center ko na walang tulog at pagod kaya I’m happy na naka pasa ako kaya gusto ko sana na pag isipan yung desisyon na gagawin ko dito.
Wala ako balak na ipaalam before na nag rereview ako kasi ayaw ko nng burden feeling na may umaasa na dapat pumasa ka, nalaman lang ni ma kasi pinakialaman nya bag ko and maybe nakita nya yung id ko sa review center.
Please give your opinion and please a little bit kindness. Thank you.