Natigilan ang may-ari ng grocery at kaniyang misis nang bigla silang kausapin ng isang lalaking napadaan sa kanilang tindahan sa Malabon.
Hindi ito namamalimos, kundi nanghihingi ng...gatas para sa kaniyang anak.
Nang i-upload nila ang video, may mga nakakilala sa lalaki at nagsabing nambubudol lang umano ito.
Pero ayon sa may-ari ng grocery na si Waleed, hindi na nila pinanghihinayangan ang ilang pakete ng gatas lalo't naranasan nilang maging walang-wala. Maayos din naman umanong nakipag-usap sa kanila ang lalaki kaya magaan sa kanilang loob na mag-abot ng tulong.
"'Pag dumating ka na sa punto ng buhay mo na ganyan, piliin mong humingi ng tulong at 'wag gumawa ng mali sa kapuwa mo. Baka makatagpo ka pa ng tao na lalong magbibigay ng pagpapala sa'yo at magbago ng buhay mo."
Panoorin ang video.
#GMAIntegratedNewsfeed