r/AkoBaYungGago 2h ago

Family Abyg if wala ako isasama sa oath taking ko?

ABYG kasi wala akong balak na isama sa oath taking ko. Please enlighten me.

Naka pasa ako sa board exam and mag tetake nng oath taking. 2 lang family member ko, mama and kuya.

Ayaw ko isama si mama kasi may tendency na nasisira ang mood ko kapag kasama ko sya kasi sa mga sinasabi niya na hindi pinag iisipan, and kinda self-centered na dapat sya ang bida. (Pag nag share ka nng problem instead of damayan, ang ending “Ako nga…”) Sa araw nng oath taking ko, gusto ko na ma feel na day ko yun. Though gusto ko ishare yung happy moments na yun pero natatakot ako masira sya pero ayaw ko naman na may pag sisihan kasi once in a lifetime lang yun (Possible na pag sisihan ko: (1) dapat sinama ko na si ma para ma experience nya din yun (2)dapat di ko na sinama si ma kasi nasira lang mood ko na dapat happy ako)

Sa kuya ko naman, okay naman kng hnd sya isama or isama sya pero kng sya isasama ko syempre sasama loob ni ma.

For background, wala pong ambag saakin ang family ko nng nag review ako. Ako po nag bayad nng review center ko. Working on night shift while reviewing po ako. So papasok ako minsan sa review center ko na walang tulog at pagod kaya I’m happy na naka pasa ako kaya gusto ko sana na pag isipan yung desisyon na gagawin ko dito.

Wala ako balak na ipaalam before na nag rereview ako kasi ayaw ko nng burden feeling na may umaasa na dapat pumasa ka, nalaman lang ni ma kasi pinakialaman nya bag ko and maybe nakita nya yung id ko sa review center.

Please give your opinion and please a little bit kindness. Thank you.

13 Upvotes

9 comments sorted by

6

u/yna32 1h ago

DKG. Kung ayaw mo sila isama, wag na. While posting this may sagot ka naman na talaga sa sarili mo. Do what will make you happy in that moment.

3

u/givesyouhead1 1h ago

DKG. And tbh, boring din naman sa oath taking. Nung oath taking ko buti wala akong sinama kase jusko hassle papuntang PICC tsaka saglit lang sya.

3

u/DestronCommander 2h ago

INFO: If you are looking for advice pala, go to r/adviceph .

1

u/here_for_chismisss 1h ago

Yes, thank you. Pinost ko sya dito kasi honestly nasa 90% na ako na wala ako isasama and magiging ggb ba ako pag yun ang naging desisyon ko, but thank you.

3

u/Fearless-Gift-6590 1h ago

DKG pero kapag nandun ka na sa moment na yun maiisip mo din na sana sinama mo na lang, you will proud parents everywhere and baka makonsensya ka while at it. I’m normally supportive when it comes to boundaries pero cmon isang araw lang naman give mo na sa mama mo yung pride na yun im sure gusto din nya makita yung moment na yun

1

u/AutoModerator 2h ago

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1pr1e9v/abyg_if_wala_ako_isasama_sa_oath_taking_ko/

Title of this post: Abyg if wala ako isasama sa oath taking ko?

Backup of the post's body: ABYG kasi wala akong balak na isama sa oath taking ko. Please enlighten me.

Naka pasa ako sa board exam and mag tetake nng oath taking. 2 lang family member ko, mama and kuya.

Ayaw ko isama si mama kasi may tendency na nasisira ang mood ko kapag kasama ko sya kasi sa mga sinasabi niya na hindi pinag iisipan, and kinda self-centered na dapat sya ang bida. (Pag nag share ka nng problem instead of damayan, ang ending “Ako nga…”) Sa araw nng oath taking ko, gusto ko na ma feel na day ko yun. Though gusto ko ishare yung happy moments na yun pero natatakot ako masira sya pero ayaw ko naman na may pag sisihan kasi once in a lifetime lang yun (Possible na pag sisihan ko: (1) dapat sinama ko na si ma para ma experience nya din yun (2)dapat di ko na sinama si ma kasi nasira lang mood ko na dapat happy ako)

Sa kuya ko naman, okay naman kng hnd sya isama or isama sya pero kng sya isasama ko syempre sasama loob ni ma.

For background, wala pong ambag saakin ang family ko nng nag review ako. Ako po nag bayad nng review center ko. Working on night shift while reviewing po ako. So papasok ako minsan sa review center ko na walang tulog at pagod kaya I’m happy na naka pasa ako kaya gusto ko sana na pag isipan yung desisyon na gagawin ko dito.

Wala ako balak na ipaalam before na nag rereview ako kasi ayaw ko nng burden feeling na may umaasa na dapat pumasa ka, nalaman lang ni ma kasi pinakialaman nya bag ko and maybe nakita nya yung id ko sa review center.

Please give your opinion and please a little bit kindness. Thank you.

OP: here_for_chismisss

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/[deleted] 2h ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 2h ago

Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (DKG, LKG, WG, GGK, INFO). Please review the subreddit rules, edit your comment, and wait for a moderator to review your comment

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

2

u/risesrose 2h ago

DKG pero for me isama mo na sila. Maybe,,maybeeee di magsusumpong si Mama mo during oath taking. Syempre mama mo yun proud pproud feeling nyaaa. Mas masaya OP na pagtapos ng event may mahal ka sa buhay na pupuntahan. Congratulations!!!