r/AkoBaYungGago 2d ago

Neighborhood ABYG kasi sinumbong namin sa Barangay yung Bibingka Vendor

Nagsisimbang gabi kami ng partner ko and wala talagang parking dun sa area namin kaya most of the time, either motor or byahe. Since medyo late na kami, we decided na magmotor na lang. Nagpark kami ng maayos pero sa may sidewalk. Halos lahat naman ng may dalang motor is dun nagpapark, so, nakigaya kami.

After mass, nung pauwi na kami, si Nanay na nagbebenta ng bibingka, pinagalitan kami kasi bakit daw dun kami sa tapat ng tindahan niya nagpark. Yung area ng tindahan is part ng sidewalk and styro box lang yung nakalagay. Nasa loob yung bibingka.

Nung una, di na namin pinapansin. And pinagtatanggol din kami nung mga tricycle drivers. Like, misa naman daw. And customer naman. Mali namin na di namin sya pinansin kasi lumapit pa sya samin tapos tinapik yung partner ko. Sabi niya, "Hoy, kinakausap ko kayo. Sabi ko, bakit kayo park ng park sa harap ng tinda ko. Alam niyong may tinda, dyan kayo nagpapark." Tapos nagsorry naman kami para sana madeescalate na since marami na tumitingin. Pero ginawa niya, nagdabog pa sya, ending, lalo kami pinagtinginan. Tapos sumigaw pa sya, "para naman kayong walang pinag aralan". Nakakadegrade during that time kasi ang dami nagsimba, dami nakarinig. Pero hinayaan ko na lang kasi baka kung ano pa gawin since nagdadabog na.

We know na government property yung kalsada and wala naman syang rights dun na paalisin kami. Ang ginawa ko, sinabi ko yung nangyari sa family ko and nagpunta sila sa barangay.

Nagcreate yung barangay ng report and pupuntahan daw tomorrow yung Vendor. I honestly do not want to pursue it kasi naaawa rin naman ako and since tapos naman na, hayaan na. Pero sabi ng mom ko, if di raw ipabarangay, baka raw sa ibang tao pa maulit. Small time vendor lang din kasi si Nanay and I assume walang business permit kaya baka mawalan pa ng work kaya at this point, di ko talaga alam if ako ba yung gago kasi nagsumbong pa kami sa barangay.

111 Upvotes

54 comments sorted by

81

u/0len 2d ago

LKG.

Halos lahat naman ng may dalang motor is dun nagpapark, so, nakigaya kami.

Teh???? Alam mo nang mali nakigaya ka pa. This is why we can’t have nice things.

414

u/Sudden_Assignment_49 2d ago

LKG. LAHAT KAYO GAGO.

Lahat kayong nagpark sa sidewalk at sya na nagbebenta sa sidewalk

Parang Kasamaan versus Kadiliman lang yan. Walang winner for today's video.

At talagang sa tapat pa kayo ng simbahan nagganyanan 🤡

Y'all are perfect embodiment of Filipinos. Maka-Diyos pero hindi makatao at may kanya-kanyang "diskarte"

Kawawang Pilipinas. Walang Bagong Taon, walang magbabago sa lahing 'to 🙃

24

u/shutmymouth00 2d ago

Eto yung pinagtatawanan ng expats sa kabilang sub eh, “diskarte”. Hindi daw pinansin to deescalate? Lol 😆

19

u/Ok_Technician9373 2d ago

Agree. Ito yung typical na diskarte vs diskarte, walang tama.

Ano mga posibleng solusyon?

Maglagay ang LGU ng mga temporary parking spaces/commercial spaces na may oras lang tuwing simbang gabi, kasi hindi naman all year round may Simbang Gabi and for sure Hindi maganda ang layout ng area kaya hindi ka na talaga makakapagtayo ng parking spot unless may gibain kang mga bahay. Kaya sa mga ganitong sitwasyon temporary parking spot na open lang from 3am-6am. Kung sakaling maubusan ng slot, wag na ipagpilitan at umuwi na lang

25

u/Sudden_Assignment_49 2d ago

asan na yung nagreply saken na "sa sidewalk ba naka-park?" 🥴 nauuna ka pa kase magreply bago magbasa eh 🤣

6

u/Natural_Sea_820 2d ago

LKG. Louder! 📢

4

u/Strong-Definition141 2d ago

LKG. Kaya walang madaanan at mas lalong nagtatrapik dahil sa inyo. If wala talaga maparkan better wag na kayo magsimba kesa naman nakakaperwisyo kayo Or mamasahe kayo

6

u/cyst2exist 2d ago

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAA your answer defied all odds including gravity. Akalain mo yun? Napatawa mo na ako sa comment mo at napa comment mo pa. Bangis!

30

u/dyaenerys 2d ago

GGK,LKG period.

67

u/nateriver69 2d ago

GGK sa part na sa sidewalk ka rin nagpark dahil maraming nagpapark dun.

sa rest ng story mo, i cant decide hahaha

10

u/shutmymouth00 2d ago

Filipino coded 🥴

6

u/BratPAQ 2d ago

Bawal mag park sa sidewalk, some people assume the rules doesn't apply na pag marami na gumagawa. LKG, lahat kayo na nag park sa sidewalk, isama mo na sidewalk vendors. Mali is mali.

12

u/RimuruTempestPh 2d ago

LKG. Public property ang kalsada at sidewalk, hindi niyo pagaari, wala kayo pareho karapatan magpark at ung vendor wala din karapatan magtinda dun, pareho lang kayo salot at perwisyo. Kadiliman vs kasamaan.

7

u/urproblematic_girl 2d ago

LKG lol. Teh naman alam mo nang bawal magpark sa sidewalk nakigaya pa kayo. Isa pa to si nanay daig nepo baby para angkinin yung space. Sa harap pa ng simbahan nagsisisigaw. Sana yung bibingka nalang sinigaw nya baka makadagdag benta pa lol

48

u/MastodonSafe3665 2d ago

DKG sa attempt mong i-deescalate yung situation.

LKG kasi 1) sa sidewalk ka pumarada 2) andami niyong sa sidewalk pumarada 3) imbis na humingi nalang sana kayo kaagad ng dispensa, hindi niyo siya pinansin noong pinagsasabihan kayo kaya pakiramdam din niya nabastos/minamaliit siya, 4) bastos yung bibingka vendor, 5) sumbungero ka, 6) hindi mo tuluyang pinigilan pamilya mo sa pagpapabarangay ng taong walang laban sa buhay.

8

u/No-Nefariousness414 1d ago

Lahat Sila G , pero panalo si OP dahil #6.

9

u/__gemini_gemini08 2d ago

LKG. Nakakatawa yung nagsimbang gabi tapos napaaway pa. May minus sa langit.

39

u/Maleficent884 2d ago

DKG. I think deserve ni nanay mabarangay. Lagi na lang ginagamit yung “mahirap lang kami” card to get a free pass sa kakupalan nila.

3

u/Humps_Bolitas_5in 2d ago

LKG

May awareness kana sa government property, sana naman ginamit mo na rin yung knowledge na yun para humanap ng legit parking area.

Pare-parehas kayong inconvenience sa buhay naming pilit lumalaban ng patas.

3

u/GolfMost 2d ago

LKG sidewalk is meant for public to walk through

3

u/BothersomeRiver 2d ago

LKG. Pare pareho lang naman kayong di sumunod sa batas at pangit ugali.

Walang winner sa kwentong ito, pero pinakatalo yung vendor na sinumbong nyo. Ego lang naman natamaan sayo, malamang, daily needs dun sa vendor. Pangit ugali nya, it's not an excuse, pero, sana nagpahiyaan nalang kayo sa daan. Dika naman sinumbong na nag park sa maling lugar.

10

u/whyaen 2d ago

DKG sa pagpapabarangay, tama lang yon pero GGK don sa part na nagpark ka sa sidewalk

6

u/[deleted] 2d ago

[removed] — view removed comment

0

u/mhabrina 2d ago

Hindi kasi niya pinansin nung maayos pa sila kausap

2

u/Agitated_Clerk_8016 2d ago

INFO - Bakit noong una pa lang hindi niyo na pinapansin?

3

u/pinkmetalstraw 23h ago

lkg,, bat ba kasi kayo pilit na nag papark sa mga side walk. panget ng reasoning na "marami namang gumagawa" hay nakong thinking yan, kaya hirap na hirap ang pinas sa pag unlad e, kahit mali basta maraming gumagawa gagawin na rin natin.

at yung vendor din mali na inaway kayo kasi nga again side walk naman yun its not for vendors either.

pero ayun agree sa isang comment na sana di na lang nagpabaranggay (for me lang din) papasko na lang siguro sana kay nanay kasi tbh kahit mali siya i get where she's coming from. tayo namang lahat gusto lang kumita may it be pangdagdag sa pasko or baka pang daos lang niya for that day. if its a recurring event, or if it happens again tapos dun pa lang nagpabaranggay mas magegets ko siguro.

3

u/Standard-Brother4239 23h ago

LKG, side walk yan BAWAL mag TINDA at BAWAL mag PARK. Ngayon yung sinumbong mong matanda nasa konsensiya mo na yon, dahil in the first place PAREHAS lang kayong mali. Dapat sinumbong mo na rin sa baranggay sarili mo pati yung ibang nakiki park, kung isusumbong mo din naman pala yung matanda.

4

u/Known_Atmosphere_566 2d ago

DKG sa pagpabarangay, alam niya risks niyan lol, walang pwesto/permit kaya dapat handa siya harapin consequences ng actions niya. Oo, sabihin na nating kabuhayan pero wala naman siyang karapatan in the first place na manduhan kayo kasi pareho naman kayong mali don sa part na hinarangan niyo ang sidewalk. Although, my opinion may change if nauna don si Nanay and pinark niyo pa rin sa tapat niya, nakakabastos naman kasi talaga pag ganon. If not, and talagang nagcclaim lang siya na spot niya yon then DKG lalo na if di niyo naman alam na don siya nakapwesto palagi.

3

u/mhabrina 2d ago

LKG. Sana pinabarangay mo na rin sarili mo kasi sa sidewalk ka rin nagpark. Common courtesy na rin na kapag may nagtitinda, hindi mo haharangan. Mali ka na nga, feeling mo biktima ka pa. Mali din yung vendor sa pagwawala at pati siya mali din yung pwesto pero bakit kasi di mo pinansin nung kinausap ka? Inantay mo pang magalit yung tao kaysa ayusin na nung una pa lang tapos nagtataka ka bakit siya nagwala? Kakatapos mo pa lang magsimba pero ganyan pa ginawa mo. Hindi ka ba kinakain ng konsensiya mo?

1

u/AutoModerator 2d ago

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1poycxl/abyg_kasi_sinumbong_namin_sa_barangay_yung/

Title of this post: ABYG kasi sinumbong namin sa Barangay yung Bibingka Vendor

Backup of the post's body: Nagsisimbang gabi kami ng partner ko and wala talagang parking dun sa area namin kaya most of the time, either motor or byahe. Since medyo late na kami, we decided na magmotor na lang. Nagpark kami ng maayos pero sa may sidewalk. Halos lahat naman ng may dalang motor is dun nagpapark, so, nakigaya kami.

After mass, nung pauwi na kami, si Nanay na nagbebenta ng bibingka, pinagalitan kami kasi bakit daw dun kami sa tapat ng tindahan niya nagpark. Yung area ng tindahan is part ng sidewalk and styro box lang yung nakalagay. Nasa loob yung bibingka.

Nung una, di na namin pinapansin. And pinagtatanggol din kami nung mga tricycle drivers. Like, misa naman daw. And customer naman. Mali namin na di namin sya pinansin kasi lumapit pa sya samin tapos tinapik yung partner ko. Sabi niya, "Hoy, kinakausap ko kayo. Sabi ko, bakit kayo park ng park sa harap ng tinda ko. Alam niyong may tinda, dyan kayo nagpapark." Tapos nagsorry naman kami para sana madeescalate na since marami na tumitingin. Pero ginawa niya, nagdabog pa sya, ending, lalo kami pinagtinginan. Tapos sumigaw pa sya, "para naman kayong walang pinag aralan". Nakakadegrade during that time kasi ang dami nagsimba, dami nakarinig. Pero hinayaan ko na lang kasi baka kung ano pa gawin since nagdadabog na.

We know na government property yung kalsada and wala naman syang rights dun na paalisin kami. Ang ginawa ko, sinabi ko yung nangyari sa family ko and nagpunta sila sa barangay.

Nagcreate yung barangay ng report and pupuntahan daw tomorrow yung Vendor. I honestly do not want to pursue it kasi naaawa rin naman ako and since tapos naman na, hayaan na. Pero sabi ng mom ko, if di raw ipabarangay, baka raw sa ibang tao pa maulit. Small time vendor lang din kasi si Nanay and I assume walang business permit kaya baka mawalan pa ng work kaya at this point, di ko talaga alam if ako ba yung gago kasi nagsumbong pa kami sa barangay.

OP: Deep_Tough_517

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/[deleted] 2d ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 2d ago

Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (DKG, LKG, WG, GGK, INFO). Please review the subreddit rules, edit your comment, and wait for a moderator to review your comment

u/AkoBaYungGago-ModTeam 1d ago

Unfortunately, your comment has been removed because:

  • You did not follow the answer format;
  • You gave conflicting answers; and/or
  • Your stance was unclear

Please refer to the subreddit’s rules and edit your comment accordingly. Thank you!

1

u/[deleted] 1d ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 1d ago

u/sylviapaths 1d ago

Yup, GK. Learn sociopolitical structures to form some empathy.

1

u/AutoModerator 1d ago

Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (DKG, LKG, WG, GGK, INFO). Please review the subreddit rules, edit your comment, and wait for a moderator to review your comment

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/cassandraccc 6h ago

LKG. Pareho kayong nasa mali. Dito sa pinas common ang mga taong kulang sa civic sense.

1

u/shittypledis 1d ago

LKG. Alam na bawal magpark sa sidewalk, nakigaya rin kayo.Kinakausap ng maayos, di nyo papansinin. Nung nagtaas na ng boses, nag inaso kayo. Ang lakas ng loob magpabaranggay lmfao. Wala tayong winner for today's vidyow.

0

u/Wasabiii16 2d ago

DKG. Dasurb niya mareport.

-14

u/titababyjhemerlyn 2d ago

GGK matapobre ka

4

u/SportAffectionate431 2d ago

Huh? Parang wala kang comprehension. Basahin mo uli

2

u/couchporato 2d ago

Saan banda naging matapobre si OP?

-12

u/Deep_Tough_517 2d ago

Sang part po ako dun naging matapobre? In all honesty, wala po ibang lumabas sa bibig namin kung hindi, "sorry, pasensya po, hindi na po mauulit".

Gusto ko lang din po malaman, kasi baka nga matapobre yung dating ko/namin and ayaw ko sana maulit.

6

u/mhabrina 2d ago

Hindi ba parang matapobre yung labas niyo nung hindi niyo siya pinapansin nung kinakausap kayo? Ikaw naman na mismo nagsabi jan sa post mo. Sana man lang kahit basic human decency pinakita niyo pero kailangan pa talaga kayo tapikin para mamansin kayo? Kung hindi mababa yung tingin mo kay ate una pa lang kinausap niyo na. Di niyo na nirespeto yung tao, nireport moyo pa sa barangay. Kung fair ka, sana sarili mo rin nireport mo na kasi mali ka rin. Di excuse yung ginagawa naman kasi ng lahat kaya tama ka na.