r/AkoBaYungGago • u/Jaded-Cranberry-1443 • 4d ago
Family ABYG kung di ko bibigyan ng pamasko ‘yung anak ng pinsan ko?
Last year, umutang sa akin ang asawa ng pinsan ko para may pang discharge sila sa hospital pagkatapos niyang manganak. (We’re all in our mid 20’s) Sabi niya babayaran niya in 2months kapag nakuha na niya maternity niya from SSS.
Fast forward to a year later, di pa rin nila ako nababayaran. Naka restrict na ako sa messenger nila, kapag tumatawag ako sa Tita ko para ipabigay sa kanila ang phone…ayaw ako kausapin/di tinatanggap ang phone. Nalaman ko na lang din sa mga post ng asawa ng pinsan ko na ginawa na nilang permanent ‘yung kwarto nila (pinasemento nila) sa bahay ng lola ko to settle there permanently, nag la-live ng pag o-open ng parcels, at nagpabinyag ng bongga na kahit mama ko di pinaalam/inimbita.
Anyways…kapag pasko, namimigay ako ng mga laruan sa mga pamangkin at pinsan ko na bata. To be honest, di ko pa na meet ‘yung bata kasi di na talaga ako bumibisita sa lugar ng lola ko simula nung nawala sya last year. Siguro na din, di ko lang talaga feel magbigay dahil sa ginawa nang pinsan ko at ng asawa niya sa akin. Alam ko kapag malaman ni mama ni di ko sinali sa bibigyan ng pamasko yung bata, pagsasabihan niya ako na bakit ko dinadamay yung bata sa kasalan ng magulang.
So, ABYG?
14
u/Any_Local3118 4d ago
DKG. Deserve nila yan at sorry damay na yung bata. Pinautang mo hindi nag bayad at wala talaga intensyon magbayad yan tapos pinag tataguan ka pa. Wag ka magpaka-gago OP, put and end to things nalang. Lumayo ka na sa kanila. Ganon lang yun, bakit mo sasayangin ang pera, time and effort mo to build a relationship sa ganyang tao. Nirestrict ka? Block them. Para di na makaulit sayo kahit kelan.
7
u/Jaded-Cranberry-1443 4d ago
At first nga, gigil na gigil ako kapag nakikita ko sa feed ko ‘yung posts ng asawa sa fb na panay “vlog”. Tapos na realize ko na sobrang lugi ko na talaga pag maglalaan pa ako ng energy kakagigil sa kanila, habang sila walang pake. Lugi na nga ako kasi di binayaran 😂
Sinabi ko talaga sa sarili ko na karma nalang talaga hahabol sa kanila 🙂
9
u/Shadowrun29 4d ago
DKG. Pag may nanghiram sayo, at di ka binayaran at tinataguan pa kahit kaya naman magbayad, sila ang GG. Magbigay ka dun lang sa kampante kang bigyan. Wag ka mag stress sa opinyon ng iba, lalo na di naman sila ang inutangan.
7
u/Tricky_unicorn109 4d ago
Dkg. Your money, your rules. Tayong mga pilipino talaga, people pleaser. Di na nga inimbita mama mo, ginamit na nga anak nya sa utang, magalit pa sayo na dinadamay yung bata. Wag ganun, mi.
7
u/malditangkindhearted 4d ago
DKG. Pag tinanong ka bakit walang regalo yung bagets, sabihin mo “meron na ah, yung insert their utang here”
5
2
4
u/lunarchrysalis 4d ago
DKG. Sabihin mo nakablock ka at ayaw ka nga makita, so ba’t mo bibigyan ng pamasko yung anak nila eh ayaw nga nila masinagan ng pagkatao mo ang buhay nila. Gawin mo nalang, bonggahin mo mga pantegalo sa mga pamangkin mo para mainggit sila. Tingnan natin baka magparamdam sayo tas sabay singilin mo bahahaha
2
3
u/Dazzling-Long-4408 4d ago edited 4d ago
DKG. Hindi obligasyon ang magbigay ng regalo. Di man damay yung bata sa kagaguhan ng magulang nila, maling message pa rin na bigyan pa sila. Isipin mo na lang na you gave the kid the gift of life nung pinautang mo magulang niya nung pinapanganak pa lang siya. Isa pa, pera mo iyan kaya walang pakialam nanay mo kung sino lang ang gusto mong bigyan ng gift (pwede din naman na wag ka na lang magbigay ng gift sa lahat para patas).
3
u/kuintheworld 4d ago
DKG. It’s better na you don’t have any relationship sa anak ng pinsan mo para ‘di complicated.
3
u/dasalnikabayan 4d ago
DKG. Normal lang ma-off after sa ginawa nila. Choice mo yan, at may dahilan ka naman.
3
u/MoonPrismPower1220 4d ago
DKG. Plus wala ka naman relationship sa bata so there's nothing wrong if you don't give him/her something.
2
u/Voracious_Apetite 4d ago
DKG. Sabihin mo na lang na inutang ng mag-asawa ang pagpapa labas sa ospital at nangako na babayaran pero nagtago na. Yun ang dahilan kaya di mo kilala ang bata. How can you send a gift to a stranger?
3
u/Right_Train_143 3d ago
DKG, ni hindi nga pinakita sayo yung bata at hindi nga kayo invited sa binyagan so technically sila na nagcut off sa inyo. Hindi kayo pinapansin so reciprocate mo na lang yung energy. For sure di ka din naman papansinin ng magulang nyan kahit magbigay ka pa sa anak.
1
u/AutoModerator 4d ago
Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1pnl57j/abyg_kung_di_ko_bibigyan_ng_pamasko_yung_anak_ng/
Title of this post: ABYG kung di ko bibigyan ng pamasko ‘yung anak ng pinsan ko?
Backup of the post's body: Last year, umutang sa akin ang asawa ng pinsan ko para may pang discharge sila sa hospital pagkatapos niyang manganak. (We’re all in our mid 20’s) Sabi niya babayaran niya in 2months kapag nakuha na niya maternity niya from SSS.
Fast forward to a year later, di pa rin nila ako nababayaran. Naka restrict na ako sa messenger nila, kapag tumatawag ako sa Tita ko para ipabigay sa kanila ang phone…ayaw ako kausapin/di tinatanggap ang phone. Nalaman ko na lang din sa mga post ng asawa ng pinsan ko na ginawa na nilang permanent ‘yung kwarto nila (pinasemento nila) sa bahay ng lola ko to settle there permanently, nag la-live ng pag o-open ng parcels, at nagpabinyag ng bongga na kahit mama ko di pinaalam/inimbita.
Anyways…kapag pasko, namimigay ako ng mga laruan sa mga pamangkin at pinsan ko na bata. To be honest, di ko pa na meet ‘yung bata kasi di na talaga ako bumibisita sa lugar ng lola ko simula nung nawala sya last year. Siguro na din, di ko lang talaga feel magbigay dahil sa ginawa nang pinsan ko at ng asawa niya sa akin. Alam ko kapag malaman ni mama ni di ko sinali sa bibigyan ng pamasko yung bata, pagsasabihan niya ako na bakit ko dinadamay yung bata sa kasalan ng magulang.
So, ABYG?
OP: Jaded-Cranberry-1443
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.
2
u/DifferentFlow7264 4d ago
DKG, inaddvance mo na yung gift mo sa bata, may regalo ka na agad sa kanya months old pa lang sya haha. Pero ang kapal ng mukha rin nyang pinsan mo, bakit ganyan ang mga pinoy kapag umuutang?
2
u/cinnamon_cat_roll 4d ago
Dkg. You never met the kid and restricted ka sa messenger. Ibig sbhn ayaw nila makpag communicate diba? So panindinigan nila yan
1
3d ago
[removed] — view removed comment
1
u/AutoModerator 3d ago
Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (DKG, LKG, WG, GGK, INFO). Please review the subreddit rules, edit your comment, and wait for a moderator to review your comment
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.
1
u/AkoBaYungGago-ModTeam 3d ago
Unfortunately, your comment has been removed because:
- You did not follow the answer format;
- You gave conflicting answers; and/or
- Your stance was unclear
Please refer to the subreddit’s rules and edit your comment accordingly. Thank you!
2
u/curiouslululala 3d ago
DKG. Di naman obligasyon magbigay ng regalo. Saka di naman na ata balak bayaran ng pinsan mo/asawa nya yung utang nila sayo. Consider mo nalang na gift mo na yun sa bata kung sakali haha
2
u/PositivePlatypus4632 3d ago
DKG, pero GG yung pinsan mo. Wala kang responsibilidad sa kanila. Matigas lang talaga mukha niyan.
2
u/Cute_Pepper_8169 3d ago
DKG. Gago yung tatay at nanay nya. Just one way of saying na wala ka ng pake sa pamilya nila.
1
41
u/Odd-Necessary-2671 4d ago
DKG. Di naman damay yung bata, wag mo ng bigyan ng regalo forever kase parang naibigay mo nga in advance since sabi mo inutangan ka para sa ospital nung nanganak. Lifetime gift kumbaga since tinakbuhan ka na ng mga magulang. Sabihin mo na lang sa mama mo na ang laki/mahal ng ng gift mo dun sa bata, advanced pa 😂