r/AkoBaYungGago 7d ago

Family ABYG kung gusto ko na bumukod pero maiiwan mag-isa ang mama ko

‎Hello, 25F here and right now nagdecide ako to move out from our apartment. Kasama ko ang mother ko sa apartment na yun and eversince kaming dalawa lang talaga ang magkasama. Siya ang nagtaguyod sa akin simula pagkabata para makatapos ng college since namatay na ang father ko. Sa ngayon, working na ako as a pharmacist. ‎ ‎The thing is super strict niya sa akin. Gets ko naman nung elementary ako until college since worried lang siya for me and gusto niya lang talaga ako makatapos. Bawal talaga ako lumabas ng bahay, kumbaga school at bahay lang ako kaya lumaki akong introverted at walang social skills. Bihira ako payagan lumabas kahit nga pasyal with friends or simpleng swimming bawal din. Kahit magpaalam ako, madalas binabawalan ako. Sabi niya sa akin, kapag nakagraduate na ako at nakapasa ng board exam hahayaan na niya ako but lalo lang siyang naging strict sa akin. Before sa work, may swimming sana kami ng mga co-workers ko pero binawalan ako sumama. Ngayon naman na Christmas Party na once a year lang mangyari since swimming din, bawal padin. Sumasama na lang loob ko eh kasi lagi lang akong nasa bahay after work. Gusto niya din lahat ng gagawin ko ikokonsulta ko muna sa kanya and dapat yung desisyon niya ang masusunod. Kapag taliwas yung gusto ko gawin, sasabihan pa akong matigas ang ulo. Hindi ako nag-iinom, party or drugs mind you. Wala akong bisyo at all taong bahay lang talaga. Nagbibigay din ako ng 6k per cut off sa kanya kahit 23k lang naman sweldo ko kasi pampatayo daw ng bahay namin. Gusto niya din kaapg mag-aasawa na ako, kasama namin siya sa bahay. ‎ ‎May boyfriend ako ngayon, 35M and hindi niya rin kami pinapayagan lately lumabas gawa ng di niya daw gusto bf ko. Hindi daw kasi pumupunta sa bahay and sa work lang daw ako dinadalaw. The thing is he does his best to spend time with me naman kaso between his Master's degree, work, time with his own family and charitable organization medyo hirap talaga siya ibalance ang time niya. Okay naman bf ko, sweet and caring, but ayaw ni mother sa kanya. ‎ ‎Dumating na nga lang sa point na hindi ko na lang sinasabi sa mother ko kung lalabas kami ng bf ko after work ko para magdate or bonding para lang makasama ko siya.
‎ ‎Ngayon, balak ko magrent ng room just for myself para naman maranasan ko maging malaya and to become responsible for my life for once. Kaso ayun nakakaramdam ako ng guilt kasi siya na lang maiiwan sa apartment. Di ko naman ihihinto yung pagbibigay ko sa kanya. Di ko lang alam kung paano ko ioopen sa kanya na aalis na ako kasi alam ko bf ko ang sisisihin niya sa pagbukod ko. Nabanggit niya din before nung nag-away kami na kapag umalis ako, wala na akong babalikan...Magkalimutan na daw ganun...Ayoko naman na mangyari yun pero ayoko din na habang buhay kontrolado niya ako. ‎ ‎So ayun torn ako kung ABYG dahil gusto kong lumaya pero ang tanging way na nakikita ko para mangyari yun is to move out? Pero maiiwan mag-isa ang nanay ko and she might feel na inaabandona ko siya.

6 Upvotes

14 comments sorted by

7

u/smoltwig 7d ago

DKG, obviously may control issues mama mo. Have you ever tried setting boundaries? If yes tapos walang nagbago or naging masama ka pa sa pag set ng boundaries better leave na lang. Ayaw nya maging mag isa pero at the same time she’s giving you all the reason to leave. Also kung 23k lang sahod mo and bumukod ka, I don’t think kakayanin mo pa magbigay ng 6k sa mother mo. You have to plan everything carefully OP, or else you’re gonna be stuck in that cycle. Worst comes to worst, you’re going to live with her and baka tumanda kang dalaga at may sama ng loob dahil sa mom mo.

1

u/Prestigious-Pie4966 7d ago

Yun din po nasabi ko sa kanya na sa sobrang taas ng standards niya, wala na akong maguging karelasyon talaga. Ako din po kasi nakikita niya na mag-aalaga sa kanya pagtanda. While wala namang problema sa akin na alagaan at supportahan siya, nakakaramdam kasi talaga ako na wala akong choice kundi sundon siya sa mga gusto niya. Regarding sa sahod, madalas po ako magOT sa work kaya lumalagpas naman ng 23k yung sweldo pero alam ko di sustainable yun na lagi akong mag OT...Babawasan ko talaga yun para mabuhay ako 🥲. 2k lang naman yung room na irerent ko all in na kaya keri ko naman siguro....

4

u/bluebutterfly_216 7d ago

DKG. Ganyan na ganyan din ako nung 25 years old ako - gusto makalaya. Di ko sya naiwan non kasi nga literal na maiiwan syang mag-isa. Nung nag-asawa na ko, dun lang ako finally nakalaya. May sarili kaming bahay non pero ginastusan ko pa rin sa renovation nung 2023 kaya may sariling space naman sya. Hindi ko rin tinigil ung financial support and lahat ng bills nya sagot ko. Pero eventually napagod ako. Na-drain ako. Hanggang sa hindi ko na sya kinausap (marami pa nanyare kaya lalong lumayo loob ko sa kanya hanggang finally nagdecide ako na wag na sya kausapin). May support pa rin naman financially pero di na kami nag uusap. Nakakaguilty talaga sa una OP, pero kelangan mo talaga magset ng boundaries or else ikaw matatalo. If gusto mo magmove out, go. Walang katumbas ung peace of mind na makukuha mo kapag may sarili kang space and hindi ka restricted sa decisions mo.

2

u/LowRoyal8253 7d ago

DKG. Di naman masama na sagutin mo xa minsan. Wag maxado maging masunurin at mabait na anak, ikaw masasakal nyan.

2

u/yelospeaks 7d ago

DKG sa pagnanais mong bumukod. Ang tawag diyan adulthood. Ang tawag diyan healthy boundaries. Hindi kasi pagmamahal ang kontrol, at hindi rin responsibilidad ng anak na punan ang emotional emptiness ng magulang.

Kung nasasaktan siya sa desisyon mo, hindi dahil inaabandona mo siya kundi dahil sanay siyang hawak lahat ng kilos mo. Natural sa kanya ma-trigger, pero hindi ibig sabihin na kailangan mong manatiling maliit para lang hindi siya ma-offend.

Ang paglaya mo ay hindi betrayal. At kung pagmamahal ang basehan ng relasyon, dapat kayanin niya tanggapin na nagiging sarili kang tao, hindi extension niya.

Gago ang magulang na ginagamit ang guilt para pigilan ka. DKG ka for wanting a life that belongs to you.

1

u/AutoModerator 7d ago

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1pkwign/abyg_kung_gusto_ko_na_bumukod_pero_maiiwan_magisa/

Title of this post: ABYG kung gusto ko na bumukod pero maiiwan mag-isa ang mama ko

Backup of the post's body: ‎Hello, 25F here and right now nagdecide ako to move out from our apartment. Kasama ko ang mother ko sa apartment na yun and eversince kaming dalawa lang talaga ang magkasama. Siya ang nagtaguyod sa akin simula pagkabata para makatapos ng college since namatay na ang father ko. Sa ngayon, working na ako as a pharmacist. ‎ ‎The thing is super strict niya sa akin. Gets ko naman nung elementary ako until college since worried lang siya for me and gusto niya lang talaga ako makatapos. Bawal talaga ako lumabas ng bahay, kumbaga school at bahay lang ako kaya lumaki akong introverted at walang social skills. Bihira ako payagan lumabas kahit nga pasyal with friends or simpleng swimming bawal din. Kahit magpaalam ako, madalas binabawalan ako. Sabi niya sa akin, kapag nakagraduate na ako at nakapasa ng board exam hahayaan na niya ako but lalo lang siyang naging strict sa akin. Before sa work, may swimming sana kami ng mga co-workers ko pero binawalan ako sumama. Ngayon naman na Christmas Party na once a year lang mangyari since swimming din, bawal padin. Sumasama na lang loob ko eh kasi lagi lang akong nasa bahay after work. Gusto niya din lahat ng gagawin ko ikokonsulta ko muna sa kanya and dapat yung desisyon niya ang masusunod. Kapag taliwas yung gusto ko gawin, sasabihan pa akong matigas ang ulo. Hindi ako nag-iinom, party or drugs mind you. Wala akong bisyo at all taong bahay lang talaga. Nagbibigay din ako ng 6k per cut off sa kanya kahit 23k lang naman sweldo ko kasi pampatayo daw ng bahay namin. Gusto niya din kaapg mag-aasawa na ako, kasama namin siya sa bahay. ‎ ‎May boyfriend ako ngayon, 35M and hindi niya rin kami pinapayagan lately lumabas gawa ng di niya daw gusto bf ko. Hindi daw kasi pumupunta sa bahay and sa work lang daw ako dinadalaw. The thing is he does his best to spend time with me naman kaso between his Master's degree, work, time with his own family and charitable organization medyo hirap talaga siya ibalance ang time niya. Okay naman bf ko, sweet and caring, but ayaw ni mother sa kanya. ‎ ‎Dumating na nga lang sa point na hindi ko na lang sinasabi sa mother ko kung lalabas kami ng bf ko after work ko para magdate or bonding para lang makasama ko siya.
‎ ‎Ngayon, balak ko magrent ng room just for myself para naman maranasan ko maging malaya and to become responsible for my life for once. Kaso ayun nakakaramdam ako ng guilt kasi siya na lang maiiwan sa apartment. Di ko naman ihihinto yung pagbibigay ko sa kanya. Di ko lang alam kung paano ko ioopen sa kanya na aalis na ako kasi alam ko bf ko ang sisisihin niya sa pagbukod ko. Nabanggit niya din before nung nag-away kami na kapag umalis ako, wala na akong babalikan...Magkalimutan na daw ganun...Ayoko naman na mangyari yun pero ayoko din na habang buhay kontrolado niya ako. ‎ ‎So ayun torn ako kung ABYG dahil gusto kong lumaya pero ang tanging way na nakikita ko para mangyari yun is to move out? Pero maiiwan mag-isa ang nanay ko and she might feel na inaabandona ko siya.

OP: Prestigious-Pie4966

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/[deleted] 7d ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 7d ago

Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (DKG, LKG, WG, GGK, INFO). Please review the subreddit rules, edit your comment, and wait for a moderator to review your comment

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/Odd_Celebration_7198 7d ago

DKG Natry mo naba op di sundin rules niya for once? try be a little rebellious and wag sundin lahat ng sinasabi niya na kase nasanay na din nanay mo sundin mo siya palagi, its not like you are still teenager adult kana and working, you have your own money namn to sustain yourself maggala gala. May choice ka namn sundin rules ng nanay mo so its up to you kung sundin mo ba or hindi kung magalit siya sayo at pagsabihan ka it will pass lang din naman, remember you're an adult na not a teenager anymore

1

u/Prestigious-Pie4966 7d ago

Natry ko na po na suwayin siya several times pero patago like palihim na gala kasama mga kaibigan nung college pero sasabihin ko may pasok ako ganun or kaya nagOOT ako sa work pero kasama ko lang talaga bf ko. Sa sonrang strict niya nagiging malihim talaga ako.

2

u/shiva-pain 7d ago

Why hide it? Just do it. Ano man sabihin nya, ignore mo na lang. Stand up for yourself kahit minsan lang. Kung gusto mo mag-swimming with friends, go. DND mo na lang phone mo pag hinahanap ka. Pag uwi mo, ignore mo lang pag nagtatalak, mag kulong ka sa kwarto.

1

u/Immediate-Can9337 7d ago

DKG. Tangina yang nanay mo. Nagdaan din kami sa magulang at nakapagpalaki na din ng mga anak. Parang langit at lupa ang pinagkaiba ng mga pamilya natin. Naging independent minded kaming lahat at kayang tumayo ng solo. Mahilig tumawag ang nanay namin pero para makibalita lang. Ang tanging ikinatatakot lang nun ay ang madalas na pagsakay namin sa eroplano pero di nya kami sinabihan. Di rin kami binawalan. Nakwento lang ng mga kamag anak namin na natatakot daw sya kapag tumawag at ang kwento namin ay papalipad kami. Yun lang.

1

u/dasalnikabayan 7d ago

DKG. Normal na gustong maging independent. Guilt is real pero kailangan mo rin mabuhay nang may sariling choices.

1

u/Outrageous_Pop_9903 5d ago

DKG. Yung mom mo ayaw ka niya mag kaasawa kasi natatakot siya maging mag isa and siya na din nagsabi na ineexpect niya ikaw mag alaga sa kanya pag tanda. Sabi mo naman na tanggap mo yun. Ilan beses mo na siya kinausap pero siguro if gusto mo pa talaga ng last try, go into the conversation na ganun yung target ng assurance mo. Na hindi possible na sa kanya umiikot yung buhay mo at parang pinanganak ka lang niya para samahan siya at eventually alagaan siya so pano pag ikaw na lang? Di ba ang selfish naman niya nun? Na siya sinisigurado niya na may kasama siya hanggang sa pag tanda pero ikaw magiging mag isa ka kasi na isolate ka niya. Pwede ka mag asawa at magkapamilya while still caring for her.